HABANG AKO'Y NAGSUSULAT NGAYUN gamit ang ballpen at ang scratch paper na nakita ko'ng nakasingit sa mga pahina ng aking lumang notebook, ang pagbuhos ng ulan sa labas ng aming bahay ay walang hinto. Nagtataka nga ako kung bakit napaka-init parin dito sa loob. Sa totoo lang, habang sinusulat ko ang... ang... ano nga ba ito? Ah! Thread nga pala na ipopost ko. Muli, sa totoo lang habang sinusulat ko ang thread na ito, walang laman ang aking isip. Hindi ko nga alam kung maisusulat ko ito ng maayos.
At kung maaari sana, wag mo nang tanungin kung bakit "Bayabas ni Juan" ang tittle nito. Sige na. Oo. Dahil wala akong maisip eh. Payak na paliwanag pero totoo. Bakit nyo ba binabaso 'to? Ewan ko, malay ko, Siguro dahil wala lang.
Super bored na ako. Walang magawa, nagiisip ng magandang topic para sa thread, pero (EEEENNNNNNNNNGGGGGG) wala talaga. Oo, super! 'Yung tipong may kpa at special power 'yung boredom. Kasama pa ni Super Bored si Super Antok. Sidekick ika nga. Tulad ni Robin kay Batman, ganon. Hindi ko na nga dinagdagan ng "Duperman" dahil grabe na yun.
Sa mga ganitong oras nga pla (12:45 AM), 'yung tipong inaatake ng insomia ba yun? inaantok pero hindi, kalimitan ko'ng ginagawa ay magbasa ng libro. Bedtime story sabi nga nila. Lahat ng kwentong pambata nagugustuhan ko, tulad ng mga libro ni John Grisham, Stephen King, Jude Deveraux, Tom Clancy at Dean Koontz. At syempre rekomendado ko yung "DORA" may book kc nun eh. excelente! Meron 'ding World Atlas at Oxford kung gusto 'nyong balikan and inyong toddler years.
Sa maniwala kayo o sa hindi, pinapatulan ko rin yung mga leaflets na naka patong kung saan-saan dito sa bahay. Dati nga kala ko fast food leaflets, iyon pla isa sa mga nagkalat na leaflets ng mga nagsulputang paaralan na parang kabute na nagbibigay ng 2-year course. At kung saan daw madaling makapunta ng ibang bansa. Sa totoo lang, 'di ko alam kung matatawa ako o maaawa, lalo na sa mga estudyanteng galing pa'ng probinsya. kung saan ang kanilang mga magulang ay nagpapakamatay sa bukid para sa pangarap na makapagtrabaho ang kanilang anak sa ibang bansa, at mai-ahon ang kanilang buhay sa hirap. At sa huli, babalik din pala sa lupang kanilang sinasaka dahil mga 4-years bachelor degree din pla ang hanap ng kompanya. Tama ba?
Hindi ako nagbibiro at seryoso lahat ng sinulat ko (*ubo*), promise! Mamatay man si batman. Kaya sana seryosohin ninyo ako. Ito pa. Alam ko, wag ka na mag-deny pa dyan at sabihing puro original DVD at VCD lang ang pinapanood mo. Lokohin mo lelang mo. Dahil Kung pinoy ka, siguradong may kopyang pirata ka din dyan sa bahay. Iyong Php 35.00 per copy. At isipin mo, pati 'yung English subtitle peke din. Parang ganito:
John: Hey dude! What's up?
(subtitle: Hello! Where not above?")
Brad: Cool bro.
(subtitle: Chilling whatsoever.)
Ngayon anong masasabi mo? Astig di ba?
YYYYEEESSS! 'Yan inaantok na ako. Tipong pag higa ko sa kama, five minutes before 6AM tulog na ko. Ewan ko sa iyo kung bakit hanggang ngayun binabasa mo pa ito. Ayan. Oh, binabasa mo pa... tignan mo pati 'yung tatlong period hindi pinata...ta...wad. Oh, talagang binabasa pa... alam ko na, siguro Super Bored ka rin. With "Super" talaga. Anu pa nga ba ang ibig sabihin 'nyan? Isa ka rin sa bayabas ni Juan.
Rochelle Erfe, Featinian