This is my world, my temple, my home. After a visit of this blog you will ultimately realize what JOTS is all about.... different theories, different interpretation. Anything is everything.... WELCOME TO MY WORLD

Monday, October 30, 2006

Abo at Kalansay



Batongbuhay sa dalampasigan
Matigas kinakapitan ng mga talaba,
Hinahampas ng bagyo at sigwa;
Unti-unti naging buhangin na pla.

Isang alabok na pumailanlang
Naging bantayog, naging laman
Nag-aral, nagsikap, nagkaroon ng kinabukasan
Lupa rin ang tangin hantungan.

Tagsibol dahon ay sumusupling,
Lumalago't ngiging berde bago matuyo
Isa-isang nalalaglag ang mga dahon...
Pinapadpad ng hangin sa dako pa roon.

Matahimik... payapa and paligid
Hindi na marinig ang mga kuliglig
Papalayo nang mga yapak at yabag
Nakipaglibing lahat na'y bumalik.

Isang bulaklak sa tabi ng puntod
Nang matuyo, bango'y di na masamyo
Paruparong dati niyang kasuyo,
O tadhana, bakit ka naglaho.

Tao alipin o hari pa man
Bakit parehong lupa ang hantungan?
O kalansay, yabang mo'y nasaan;
Katawan mo't yama'y abo and kinauwian!


JOTS18

Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home