Sa Aking Nakatatanda
Bakit ba ka'y hirap nyo umunawa
Kayong matatandang balot ng problema
Di nyo alam na mas nagdurusa
Mga kabataan na sa inyo'y umaasa?
Puro sapantaha ang ipinapakita
Gawain niyong tila walang tiwala
Kung kaya't di na makapagtataka
Bakit kabataa'y lulong na sa droga
Lapastangan and tingin kapag nangatwiran
Di nyo batid and sariling kasalanan
Basta't tingin nyo lang kayo ang may alam
Lahat ng bagay kahit kamangmangan
Anong tingin nyo sa inyong sarili?
Dakilang Diyos na dapat itangi?
Tao lang din po kayo kung ituturing
Nagdaan sa pagkabata kahit di pansin
Pag-asa ng bayan inyong turing
Sa aming kabataan na madalas makapuwing
Subalit ang pagtangi nyo sa katulad namin
Tila kontra-bida sa pelikulang Mulawin
Kakaiba kayo kung mag-isip
Desisyon nyo ay laging batas na dapat sundin
Di man lang marunong, maalam o makinig
Sa pag-asa ng bayan na lubos ang hapit.
Kung pakakaisipin bakit ba ako lumikha?
Tulang alam ko na magiging paksa
Pagkagalit sa akin ng matatanda
Lalo't higit ng mga walang gunita
Kung mainsulto ka't siguro'y ikaw nga
Ang nais kong tukuyin dito saking tula
Subalit kung hindi, mabuti't nabuhay ka
Upang pangalagaan kaming mga kabataan.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home